home sweet home


hay!!!

andito ako ngayon sa 20+... sa dati kong office... sa dati kong cubicle... eto nagbloblog... habang hinihintay si bambam...ayoko pa kasing umuwi.... di ko pa feel.. ayoko kasi mabadtrip...

hay... nakakamiss yung pwestong to.... tong pc na ginagamit ko ngayon... dati, sa akin to... walang pwedeng makialam... pero nakakatuwang isipin na ganitong ganito pa rin ang itsura nya mula ng umalis ako. di nila iniba ng ayos... pati yung mga souvenir na iniwan ko dito... nasa pwesto pa rin. nakakamiss kasi ang sarap ng working environment dito... imagine solo ko tong kwartong to... tong table na to... nakakatuwa rin kasi nakapost pa sa cork board yung mga pictures namin...

actually... muntik na akong bumalik dito... kung di ako napabilang sa naretain sa work ko ngayon, malamang dito ulit ako... which is ok na ok sakin... iba kasi mga tao dito. masarap ang pakiramdam kapag welcome ka sa isang lugar... kapag nakakarelate kayo sa isa't isa at lalo na kapag jive lahat ng characters nyo... mahirap kasi pag nasa isang lugar ka na hindi ka maintindihan ng mga kasama mo...

masaya dito.. kahit naman sa office ko ngayon masaya din. kasi kahit may indifferences, nagkakasundo pa rin.. walang rules.. walang do's and don't... basta alam mong di ka nakakasakit ng tao... at ok kayo.... go lang ng go.

kung bakit ako nandito ngayon... wala lang... namimiss ko lang sila. at kahit pa mapagisipan ako ng di maganda.. keber! basta't malinis ang kunsensya ko. I cannot please everybody di ba...

Dito at home ako... dito kahit busy mga tao, walang nakasimangot... masaya pa rin... may alitan man, mabababaw naman. Di tumatagal.. bati na ulit...

Hay... ang sarap ng may peace of mind...

ewan ko lang mamaya... pag uwi ko...

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home

Blogger Template by Blogcrowds