Minsan masalimuot ang buhay
May mga bagay na gusto mong gawin pero di mo magawa dahil iniisip mo rin ang kapakanan ng ibang tao. Mga bagay na alam mong makakapagpasaya sayo kayalang dapat ka munang magpaubaya para sa kasiyahan ng iba.
Maraming bagay na di ko maintindihan. Bakit ganito? Bakit ganun? Halimbawa na lang... bakit yung ibang tao hindi nila maintindihan yung ginagawa ko, my lifestyle sabi nga nila, yung mga katwiran ko? gayung ang simpleng simple lang naman. Kung minsan ipapakita nila sayo na naiintindihan ka nila pero pag nakatalikod ka na, ayun pag-uusapan ka na.Ewan ko ba!
Siguro dahil magkaiba kami ng mga prinsipyo at paniniwala. Ang sagot ko sa mga taong lagi na lang nagcricriticize: MIND YOUR OWN BUSINESS! Ganito ako e.. at alam kong wala akong ginagawang masama. Kung sa tingin nyo at kung iniisip nyo na meron akong kalokohan... bahala kayo. Wala namang mawawala sa akin. It's all in your closed mind!
Sa kabila ng lahat, pilit ko pa ring tinitignan ang mga bagay bagay sa bawat angulo nito. Kung minsan naiinis na ako kung bakit lagi na lang ako ang kailangang umintindi... and laging magbigay... ang laging tumahimik sa tuwing nararamdaman kong agrabyado na ko... hindi ako nagpapakamartir pero ayoko na lang ng diskusyon... Pero pinaparamdam ko naman na bad trip ako.
Bakit kasi may mga taong sobrang sensitive? bakit may mga taong manhid? bakit may mga taong sarado ang isip? bakit may mga taong tanga? (Isa ba ako dito?)
Wala lang.. napapaisip lang ako....