Sorry Nik, mejo natagalan.. (from her site, comes this tag)

well here it is... reviving my Thomasian spirit...


1. San building mo?
~ St. Raymund's Building... along Dapitan side, beside the Central Library...

2. Course mo?
~ AB Major in Communication Arts

3. Center of excellence ba yun?
~ Tinatanong pa ba yan? Of Course!!!

4. Nakagulong ka na ba sa main field?
~ yup yup...

5. Anong masasabi mo sa bagong fountain sa USTe?
~ Bagong fountain??? hmm... di ko pa nakita yan ngayon. Matagal na ko di nakakadalaw sa beloved Alma Matter e..

6. Nakapasok ka na ba sa Graduate School?
~ Once or twice lang yata...

7. Napuntahan mo na ba lahat ng sections sa Central Library?
~ oo naman!!!! pero mas madalas ako sa edtech center...

8. Nakapag-internet ka na ba sa Central Lib?
~ yah... kaso hindi palagi.. lagi kasi mahaba ang pila nun tsaka mejo mabagal pa access nung time namin e..

9. Nag-friendster ka?
~ sa central lib??? nung panahon namin??? nope... di pa uso friendster nun!

10. Nakakain ka na ba sa lahat ng kainan sa Carpark?
~ May kainan na ba dun ngayon?

11. Bakit ka kumakain sa Carpark?
~ di ko na yata naabutan yung kainan dun!

12. Kumakain ka rin ba sa may Dapitan?
~ Sinong Tomasino ang hindi kumakain sa Dapitan? Suki ako ng BRB (Yung porkchop nila dun!!! panalo) Almers.. ang sarap ng gravy dito... tsaka sa TAPSI!! ay tambayan ito...

13. Sinong paborito mong prof?
~ Yup NIk! We all loved Sir Jaleco.. hmm.. Ma'am Pepin.. and Sir Bong Osorio...

14. Paboritong subject?
~ TV and Radio Prod, Scriptwriting and Advertising

15. Maka-Growling Tigers ka ba?
~ Ano ba???? Kaya nga hanggang ngayon sinusuot ko pa Thomasian Jacket ko no!

16. Nameet mo na ba yung players ng USTe?
~ Si Latoreno na classmate namin na super bait... yung iba naman pagala gala lang sa campus.. sorry di kme close e...

17. Naka-akyat ka na ba sa isa sa mga puno sa Botanical Garden?
~ Nyay! hinde! pero one of the ost memorable place sakin yan lalo na nung sophomore year.... hehehehe!!!

18. Nakapagsimba ka na ba sa simbahan dun?
~ Of course...sana dun din ako ikasal... (kasi 50% discount kapag tomasino ka at dun ka nagpakasal!) harhar!

19. student number mo?
~ 96030367 (hahaha! id ko kasi nasa akin pa!)

20. Saan ka nag test ng USTET?
~ Sa Educ building.

21. Mahirap ba USTET?
~ Kung mahirap e di wala ako dito...

21. Anung org mo?
~ COM-ACH  (para masabing may org.. hehehe) pero nang lumaon naging active din sa CASA (Communication Arts Students Association)

22. Masaya ba?
~ in CASA, yep yep!

23. Nagkaroon na ba ng kuwenta sayo yung UST Health Services?
~ Ay oo!!!! sobra!

24. Nagpupunta ka ba sa Tinoco Park?
~ OO naman.. everytime na may school projects practtices. pero mas madalas ako sa Colayco e.

25. Naranasan mo na bang magpractice ng kahit ano sa grandstand?
~ Hmm.. madalang.. kasi mas malapit kme sa Colayco... and sa grandstand kasi sobrang crowded dun...

26. Alam mo ba yung Research Complex?
~ hmmm.. saan ulit ito?

27. Naholdap ka na ba kahit saan around USTe?
~ sa awa ni Lord, hindi pa naman.. but i have some classmates back then na suki ng holdap nun e!

28. E nanakawan?
~ not really..

29. E na-rape?
~ Inay Ko po!!!

30. Anung pinakaayaw mong lugar sa USTe?
~ Hmmm. yung sa may tapat ng hospital.. sa gov. forbes area.. lalo na pag gabi.. naku po!

31. Sa tingin mo marami bang konyo sa USTe?
~ Pa-coño, meron. Marame. - Second d motion nik!

32. Sa tingin mo bakit tigers ang USTe?
~ kasi malupit!

33. Di ba orange ang tigers, bakit yellow tayo?
~ Sino nagsabi na orange?

34. Excited ka ba sa 400th year ng USTe?
~ Syempre naman.. iba ang feeling ng UST alumni ka

35. Ilang units ka this sem?
~ i graduated year 2000... hehehe

36. Anung pinakamadali mong subject?
~ RIZAL... because of Prof Lapuz! Im sure everyone will agree.. hehehe.. marami akong nacompose na kanta nun!

37. E pinakamahirap?
~ Thesis... buti na lang si Sir Bong adviser ko!

38. Anung major mo?
~ Communication Arts

39. Bakit ka nag aral sa USTe?
~ e bakit ba? e sa gusto ko dun e!!!

40. Kabisado mo na ba yung UST Hymn?
~ "God of all nation...
merciful Lord of our restless being
sweep with your golden lilies
.... di ko na alam kasunod...
basta kelangan nakataas yung kamay mo ala people power pag kinakanta to...

41. E yung mission and vision?
~ huwwaaattt??

42. Anung tingin mo sa mga guard sa USTe?
~ sumpungin!

43. Anung masasabi mo sa uniform policy natin?
~ Nung college, maluwag sa AB e. Nakachinelas pa nga ako pumasok nun. Naghigpit na lang nung around 2000. - korek.. makikita mo ang ibat ibang style ng skirt and lamda.. tapos tsinelas kung tsinelas... di umuubra mga guard samin e!! hehehe!




MAI AND TIN
!!!! now...its your time to get tagged!!!!

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home

Blogger Template by Blogcrowds