weekend getaway - CDO

MANILA --> OZAMIZ CITY --> OROQUIETA CITY --> CAGAYAN DE ORO CITY --> BUKIDNON --> back to CDO --> MANILA

- naging supergirl ako for one day kasi kelangan ko magconduct ng training sa Ozamiz at Oroquieta (1-hr drive away ang pagitan) at the same time makapunta ng Cagayan De Oro (na may last trip na 5pm sa Ozamiz) the same day kundi e di ako makakabalik pauwi ng Manila. Ang CDO is 4 hours away from Ozamiz.

- syempre di ako umabot sa last trip. natapos ang training ko sa Oroquieta ng 5pm. Buti na lang mabait yung client namin sa Oroquieta.. hinatid ako sa barge. yun na kasi ang last option.

- First time ko sumakay ng Barge. Sa mga di nakakaalam, eto yung barko kung saan sinasakay ang mga land vehicles para makatawid ng dagat. Syempre natakot ako, ako lang kasi mag-isa and di ko naiintindihan ang salita ng mga tao...

- Yung bus na nasakyan ko sa barge e hanggang Iligan lang.. so kelangan ko pa magtransfer ng bus sa Iligan papunta Cagayan... a enong oras na???? Nakarating ako sa Iligan ng 9pm.. pagdating sa terminal e yung nag-iisang bus (last trip na yata yun) papuntang Cagayan e paalis na... muntik pa ko di umabot... tapos non-aircon bus pa! kapag sinuswerte ka nga naman...

- nakarating naman ako ng safe sa Cagayan De Oro... mga 11pm na yata yun. Tapos wala pa kong hotel na matutuluyan... ni hindi ko alam saang lupalop ako ng Cagayan De Oro... si Minnie kasi na dapat kasama ko e di nakapagland yung flight nya dahil sa bad weather.. pinabalik sya ng Manila. So, ako lang talaga mag-isa...

- May lifesaver naman ako... I have this "newfound friend" na pinakilala ni jaymie na nakabase sa CDO. Sya tumulong sakin na malaman ko kung saan ako magchecheck-in.. yung hotel katabi ng bahay nila.. hehehehe... Tawag nila dun sa area na yun e Divisoria... yun pala ang center ng CDO... malapit sa lahat...pagdating ko dun, yung Night Market agad and nakita ko...

- Pagdating ni Minnie kinabukasan, walang pahi-pahinga.. go agad kame sa WHITE WATER RAFTING! Panalo sa experience!! yung details sa susunod na post. Here's one of my favorite pic...



- Kinabukasan, uuwi na dapat ako. Biglang cancelled lahat ng flights papuntang Manila. Ang lakas ng ulan. No choice ako.. kundi tumawag sa office at sabihin ang situation... kelangan na rin kasi ako sa ofc dahil ang dami kong naiwan na work... Nagparebook ako ng flight for next day... buti na lang may available pa.. pero 2nd to the last flight na..

- Sumama na lang ako sa trainining ni Minnie sa Bukidnon. Dito ko natikman ang sizzling bulalo... panalo!

- Bago umuwi, di namin pinalampas ang ukay ukay.... mas mura dito kesa sa baguio...




Super memorable experience ito of all the out of town trips namin ni Minnie... thank you thank you sa lahat ng tumulong sa amin... kay Ms. Eliezer ng Petron Ozamis sa pagsundo sakin sa airport ng Ozamiz at sa lunch na masarap... kay Mr. Fred ng Petron Oroquieta sa paghatid sakin sa Ozamiz Port ... kay Rich.. and aking "newfound friend" for keeping up with us, sa tanduay mix at sa mahaba habang kwentuhan.. and kay Serge sa pagsama sa amin sa Bukidnon...

This was indeed one of the best ever adventure weekend i ever had....

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home

Blogger Template by Blogcrowds